Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Never forget

Mga kamakailang post

FULLY GOD AND FULLY HUMAN

Si Jesus ang Anak ng Diyos at Tagapagligtas ng sangkatauhan. Siya ay kapwa tao at Diyos. “... Tungkol sa Kanyang pagiging tao, Siya’y ipinanganak mula sa lahi ni David, subalit tungkol sa Kanyang pagka-Diyos, pinatunayan ng Banal na Espiritu na Siya ay Anak ng Diyos sa pamamagitan ng isang makapangyarihang gawa, ang Kanyang muling pagkabuhay (Roma 1:3-4).” He had to be God in order to save us and a man in order to die for us.

PAKIRAMDAM MO BA AY MALAYO ANG DIYOS SA IYO?

Pakiramdam mo ba ay malayo ang Diyos sa iyo? Kung oo, may katanungan ako para sa iyo: sino sa inyo ang lumayo, ang Panginoon o ikaw? Tama, ikaw ang lumayo sa Diyos sapagkat sinabi Niya na hindi ka Niya iiwan (Hebreo 13:5). Marahil, ikaw ay nakagawa ng kasalanan kaya ganiyan ang iyong nararamdaman dahil kung hindi, ikaw ay sinusubok ng Diyos (2 Cronica 32:31). Ang kasalanan ang nagpapalayo sa iyo mula sa Diyos (Isaias 59:2). Ngunit mayroong paraan upang makalapit kang muli sa Panginoon. Kung lalapit ka sa Diyos, lalapit Siya sa iyo (Santiago 4:8). Kung manunumbalik ka sa Diyos, ikaw ay Kanyang kakalingain (Zacarias 1:3). Kung hahanapin mo Siya, Siya'y iyong masusumpungan (Mateo 7:7). Kung ikaw ay magpapakumbaba, mananalangin, tatalikdan ang kasamaan at hahanapin ang Panginoon, ikaw ay Kanyang diringgin at patatawarin (2 Cronica 7:14). Kung buong puso ang paghahanap mo sa Diyos, siguradong Siya'y iyong matatagpuan (Jeremias 29:12-14). read more from Answers From The Book: